Friday, July 18, 2008

Kailangan Pa Bang Ipagsigawan na Ako ay Nag-iisa?


Ayoko nang sabihin ang mga nabanggit na
Ayoko nang makuha pa ang nasa akin na
Nasaan ka ba nung ako'y nadapa?
Oo, pero mali ang iyong inaakala

Ang mga mata'y bulag sa katotohanan
Tila isang bingi kapag nagsisimula na
Hanggang kailan ba magbubulag-bulagan?
Kailangan pa bang ipagsigawan na ako'y nag-iisa?

Oo, Nagkamali din ako
Subalit mas kailangan mong intindihin ako
Para akong naglalakad sa kawalan
Walang Ilaw, Wala akong makita

Ano bang meron sa kanila?
'Di na kailangang ipagkumpara
'Di mo siya mapapalitan
'Di mo talaga naiintindihan

Gumising ka, Halika! bumalik ka..
Isantabi na ang mga pangamba
Punasan na ang mga luha
Pagdurusa'y maglalaho ng kusa


XOXO Paulboron

No comments: